English

Ang Women’s Legal and Human Rights Bureau (WLB) ay isang peministang non-government organization na naglalayon na mapaunlad ang pag-akses sa hustisya ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng online paralegal services at iba pa. Sa pag-akses sa aming online paralegal services, nagangahulugan ito na pumapayag ka na kolektahin namin ang ilang impormasyon mo, kabilang na ang ilang personal information mo at salaysay ng mga pangyayari. Kokolektahin ang impormasyon mo sa pamamagitan ng third party applications (i.e. FB messenger at JotForm) at ng texts, tawag, o email (kung applicable). Kailangan ang mga ito para mabisa, epektibo, at tiyak ang pagtugon sa iyo. Tanging WLB lamang ang may akses at maaaring makakita sa mga impormasyong boluntaryo mong ibabahagi sa amin. Ang mga ito ay gagamitin lamang bilang gabay sa aming pagsasaliksik at pagsulong ng mga polisiyang tunay na sumasalamin sa mga karanasan ng mga kababaihan. Hinding hindi ito gagamitin sa ibang bagay maliban sa mga nabanggit.

Ang bahaging ito ay ligtas na espasyo kung saan malaya kang makakapagbahagi ng iyong karanasan. Lahat ng ibabahagi mo ay mananatiling confidential.


Babala: Ang mga katanungan sa bahaging ito ay pagbabalik-tanaw sa iyong karanasan, at maaaring makapagbukas ulit ng mga hindi magagandang alaala. Kung mangyari ito, maaaring ipagpatuloy ang pagsagot sa sarili mong panahon. Pwede mo rin kaming i-message sa FB page namin tungkol dito para mai-refer ka namin para sa counselling.

Maraming salamat sa pagbabahagi. Ngayon naman, kukunin namin ang ilan sa personal na impormasyon mo para sa mas mabisa naming pagtugon sa'yo.

Lahat ng impormasyon mo ay ituturing namin na confidential at hindi ibabahagi sa iba nang walang klarong pahintulot mula sa'yo.

Paano ka namin makokontak?

Ilagay ang iyong cellphone number o email address o social media account (o lahat) para makontak ka namin pagkatapos maproseso ang iyong intake form.

Maraming salamat sa paglaan ng oras para sagutan ito. I-click ang "submit" para ma-record at maproseso namin ang iyong report.