Ganap nga ba tayong malaya?

Hindi kami papayag na sa ilalim ng pamumuno ni Duterte ay patuloy na hinahamon ang kalayaan nating mga kababaihan at pagkakapantay natin sa lipunan. Dagdag pa rito ang patuloy na pagsupil sa pagiging malaya ng hudikatura na siyang tumutugon sa pagtitiyak na makakamit ang hustisya ng mga kababaihang nakakaranas ng karahasan.

Hindi lubos na malaya ang ating bayan kung ang mismong mga kababaihan nito ay patuloy na nagiging biktima ng ano mang porma ng karahasan at pambabastos.

Walang kasarinlan kung ang usaping kababaihan ay hindi isinasama at patuloy na isinasantabi.

Ang WLB ay nakikiisa sa hanay ng mga kababaihang patuloy na lumalaban para sa ating kalayaan mula sa pambabastos at karahasan. Tayo ay patuloy na nakikibaka para sa pantay na paggalang sa atin bilang mga babae na may kalayaang kumilos sa lipunan at hindi na kailangang isipin pa ang posibleng pambabastos at karahasan na maaring danasin sa daan, eskuwelahan o lugar ng hanapbuhay.

Kami rin ay nakikiisa sa mga organisasyon at indibiduwal sa pagsingil ng mga kababaihan at inaaping mga sektor ng lipunan na patuloy na nagiging biktima at sinusupil ang kalayaang mabuhay ng maayos na walang karahasan.

ANG KABABAIHAN AY DI MAPAPAGOD NA PATULOY NA IPAGLALABAN ANG ATING KALAYAAN!

___________

In commemorating our independence, we must speak of women’s independence and our freedom from sexual violence. In 2013, there were 1259 reported rape cases to the Philippine National Police. This data does not represent the real situation of women and girls who became victims of violence but decided not to speak nor report the incident out of fear, ridicule, stigma, insensitivity, and inaccessible justice system.

The Duterte administration continues to disrespect women and encourages the proliferation of rape culture in our society through his sexist remarks, misogynistic speech and unwanted sexual advances to women. We will not allow this administration to continue to disregard and insult women using the institutions of government which are supposed to protect the people. Until ALL women are free from violence, until ALL women’s voices are heard, only then are we truly independent.

We will continue to rage, we will continue to resist.